February 27, 2025
Health, Education, Peace-Building and Security, Governance, Environment
Kami, mga miyembro at bumubuo ng School Disaster Risk Reduction Management Organization ng paaralang Liceo De Luisiana, Laguna ay naniniwala at sumasang-ayon ng buong katapatan sa layunin ng samahang ito. Upang ihatid ang kahalagan ng agarang kaligtasan at kapakanan ng bawat mag-aaral, sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagkakaisa, pagtutulungan at may malasakit sa kapwa at bawat kasapi, upang makamit at mapagtagumpayan ang mithiin at pangarap ng aming samahan. Kung kaya, kami ay nangangako na tutupad sa batas na aming binuo at pinagkasundan. Gabayan nawa kami ng Poong may kapal.