April 01, 2025
Education, Social Inclusion and Equity, Peace-Building and Security, Active Citizenship
Ang Kadiwa-Kammfil Klab ay isang samahang pangmag-aaral ng Batsilyer ng Edukasyong Pangwika sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon (Philippine Normal University North Luzon). Isang makabuluhang espasyo at pundasyon para sa pagpapalago at pagpapayabong ng Wika at Panitikang Filipino kalakip ang mga katagang “may utak, may puso at aktibo”, sa pamamagitan ng taunang gawain, proyekto at programang tumutugon sa pangangailangan, interes at abilidad ng mga mag-aaral/kabataan. Layunin nitong mahubog ang kritikal na kaisipan, kasiningan at kasanayan ng mga magiging guro ng asignaturang Filipino maging sa mga magiging mag-aaral sa hinaharap, maikintal ang kahalagahan at katuturan ng sariling pagkakakilanlan; Kultura, Wika at Panitikang Filipino at makapagsanay sa kanilang natamong kakayahan, kasiningan at karunungan hinggil sa Wika at Panitikang Filipino sa paraang nailalantad sa kanilang diwa, aksyon at mga kataga ang pagiging pagtataguyod ng isang makabayan o makabansang mga mamamayan.