April 18, 2025
Health, Education, Environment
Ang Samahan ng Mag-aaral na may Adbokasiyang pang-Filipino (SAMAFIL) ay isang organisasyong mag-aaral na naglalayong itaguyod, paunlarin, at pagyamanin ang wikang Filipino at kulturang Pilipino at upang magsilbing daan tungo sa pagpapalaganap ng pambansang identidad, paglinang ng kasanayan sa wika, at pagpapahalaga sa ating mayamang pamana. Mga Layunin: • Itaguyod ang paggamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa loob at labas ng paaralan. • Linangin ang kaalaman ng mga miyembro tungkol sa kasaysayan, sining, at kulturang Pilipino. • Magdaos ng mga paligsahan na nagpapalago ng talento sa pagsulat, pagtula, pag-awit, at iba pang anyo ng sining. • Palakasin ang pagkakaisa at diwa ng bayanihan sa bawat miyembro ng samahan