December 05, 2025
Active Citizenship
Ang Samahan ng kabataang Muzueño, ay nabuo noong ika 23, ng Oktubre taong dalawang libo't dalawang pu't isa ng mga kabataan naninirahan sa Barangay Muzon Proper, Muzon West, Muzon South at Muzon East, lungsod ng San Jose del Monte, probinsya ng Bulacan sa tulong nila nabuo ang organisasyon na ito na may adhikain magbigay ng tulong sa komunidad at sa mga kapwa kabataan. Layunin nito na magkaroon ng partisipasyon ang bawat kabataan sa lipunang kanilang ginagalawan; pagpapakita; at pagsasabuhay ng tunay na bolunterismo, pagmamahal sa kapwa at pagbibigay ng mga iba’t ibang proyekto, programa at aktibidad na nakatuon sa bawat adbokasiya.