December 16, 2025
Education
Ang Filipino Club ng Tomas Avila Andaya Sr. National High School, na itinatag noong Enero 17, 2024 at pinagtibay noong Marso 15, 2024, ay isang organisasyong naglalayong paunlarin ang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino. Layunin nitong magsilbing plataporma upang maipakita ang talento at galing sa iba't ibang larangan gamit ang wika, habang pinauunlad ang disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa kultura at tradisyon ng Pilipinas. Objectives 1. Paunlarin ang Kakayahan sa Wika at Kultura - Maging daluyan ng mga gawain at proyekto na magpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa wikang Filipino. 2. Magtaguyod ng Ugnayan ng mga Mag-aaral - Palakasin ang samahan at pagtutulungan ng bawat miyembro sa loob at labas ng paaralan. 3. Linangin ang Talento at Pamumuno - Magbigay ng pagsasanay at karanasan para sa paghubog ng mga lider na may malasakit, disiplina, at integridad. 4. Isulong ang Kultura at Tradisyon - Maglunsad at lumahok sa mga aktibidad na nagtatampok ng yaman ng kulturang Pilipino sa lokal, rehiyonal, at pambansang antas. 5. Magbigay ng Serbisyong Pangkomunidad - Maging katuwang ng komunidad sa pagpapaunlad ng kamalayan at pagpapahalaga sa wikang Filipino at kulturang Pilipino. Ang Filipino Club ng TAAS NHS ay naglalayong palalimin ang pagmamahal sa wikang Filipino, isulong ang yaman ng kulturang Pilipino, at hubugin ang mga mag-aaral bilang mga responsableng mamamayan na may disiplina, liderato, at malasakit sa kapwa.