January 02, 2026
Health, Social Inclusion and Equity, Peace-Building and Security, Governance, Active Citizenship, Environment, Agriculture
Kami, na mga kasapi ng Samahan ng Kabataang Episcopal sa Pilipinas – Episcopal Diocese of Central Philippines (SKEP-EDCP) ay nagkabuklod-buklod upang palaguin ang aming espiritwal, pisikal, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, pagyamanin ang mga kasanayan at saloobin at payabungin ang mga interes sa mga larangang ito sa pamamagitan ng pakikilahok at pagsali sa mga usapin ng simbahan at lipunan. Ang samahang ito sa gayo’y nagpapasailalim ng Saligang Batas at mga tuntunin na ito. Palakasin at pagyamanin ang buhay espiritwal ng mga kasapi sa pamamagitan ng; Pagpapalagong espiritwal tulad ng pagsamba, sama-samang pag-aaral, paglilingkod, altar guild; Mga pagkilos na may kinalaman sa lipuna’t politikal tulad ng forum, pagtitipon, pagpupulong; Paglilingkod sa Simbahan at Komunidad; Itinaguyod ang pagkakaisa at magandang diwa ng pagkakaibigan at kapatiran sa mga kabataan; Maging daluyan o daan tungo sa pagbabago at pangangasiwa ng mga programa ng simbahan; Tangkilikin ang programa ng SKEP sa Pambansang antas at itaguyod ang misyon at paglilingkod ng Episcopal Church in the Philippines sa simbahang lokal, sa komunidad at diyosesis.