February 25, 2026
Active Citizenship
SINING-TANGLAW: Samahan ng mga Mag-aaral sa Teatro at Pelikula Pangkalahatang Layunin Ang hangarin ng organisasyon ay magkaroon ng isang samahan patungo sa mga mag-aaral sa Senior at High School na mabibigyan ng kanilang sariling talento sa larangan ng pag-arte at paggawa ng maiikling pelikula. Magiging daan ang samahan na mas makilala ang kanilang sariling kakayahan at matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay. Mabibigyan ng pagkakataon ang bawat kasapi na maranasan ang pagiging sa teatro at pelikula sa pamamagitan ng mga pagsasanay at edukasyon. Magiging daan upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral sa larangan ng sining sa pamamagitan ng mga aktibidad, workshop, at iba pang programang inilulunsad nito. Karagdagang Layunin 1. Nakapagpasagawa ng mga libreng seminar at training workshops sa larangan ng pag-arte at paggawa ng maiikling pelikula tulad ng mga sumusunod: Basic Acting Workshop, Film Making Seminar Workshop at iba pang katulad. 2. Nakapagpasagawa ng mga programang hubog sa karanasan ng mga mag-aaral tulad ng mga sumusunod: Dula-Tanghal, Sine-sining, Pistibal ng Teatro, Pistibal ng mga Maikling Pelikula, Monologue festival, Pagtatanghal ng iskrip at iba pang katulad nito. 3. Nakabuo ng mga produksyon ng dula at maikling pelikula ang bawat kasapi ng samahan ng pagsulat ng iskrip. 4. Nakapagsagawa ng mga produksyon ng dula at maikling pelikula ang bawat kasapi ng samahan. 5. Nakalikha ng mga gawaing pangklase tulad ng mga output tuwing nagtataas ang aralin lalo na sa Filipino at Ingles. 6. Nahikayat ang mga mag-aaral na maging aktibo sa kanilang klase lalo na sa face to face class. 7. Nakabuo ng mga opisyales ng samahan sa Senior High at Junior High na siyang mangunguna sa pagsasagawa ng mga programa. 8. Naipalabas sa mga pampublikong lugar ang mga output na nalikha ng bawat kasapi sa loob at labas ng paaralan. 9. Nahubog ang mga talento ng bawat mag-aaral sa larangan ng pag-arte, pag-awit, pagsulat, pagkuha ng larawan at bidyo, paglikha ng maikling pelikula at iba pa. 10. Maging katuwang ng paaralan at ng iba’t ibang samahan sa mga programang inilulunsad nito.