April 28, 2026
Education, Social Inclusion and Equity, Active Citizenship, Environment
Ang Samahang Filipino (Samfil) ng Kolehiyo ng San Luis ay kapisanan ng mga mag-aaral na may layuning panatilihin ang mga tradisyon at kulturang natatangi sa mga kabataang Filipino. Binibigyang-diin ng SamFil ang kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao, pakikisama, at bayanihan bilang parte ng pagkakakilanlan ng isang Luwisyano. Nakaangkla sa pag-alala ng pamana at sa pagpapanatili ng sigla ng kulturang lloko, isinasakatuparan ng samahan ang misyon nito sa pamamagitan ng mga programa at mga platapormang nakatuon sa komunidad Kabilang dito ang pagtataguyod sa makulay na sining at literatura na nagsisilbing bukal ng aming karangalan. Ipinagmamalaki rin ng SamFil ang papel nito bilang pangunahing tagapagtaguyod ng taunang Buwan ng Wika na nagbibigay-buhay sa mga pagtatanghal at larong pangkultura na nagbubuklod-buklod sa mga mag-aaral at guro. B.A.N.A.Y.A.D - Mula sa salitang "Banayad" na tumutukoy sa marahan at dahan-dahang galaw, kumikilos ang samahan sa isang banayad na paraan - mabilis kung mag-isip ngunit malumanay sa paggawa. Kagaya ng mga nagsisitaasang alon na sumasagisag nito, mataas kung mangarap ang Samahang Filipino, at 'gaya naman ng araw na lumulubog sa makislap na hampas ng alon, maliwanag ang aming hangarin upang mapabuti at pahalagahan ang mga bakas ng pamanang Filipino.