January 30, 2023
Health, Education, Economic Empowerment, Social Inclusion and Equity, Peace-Building and Security, Governance, Active Citizenship, Environment, Environment
Salig sa Division Memorandum No. 128, s. 2019 re Application for Recognition of School Student Organizations and Clubs. Ang Samahan o “Club Organization” ay ang pagsasama-sama ng mga taong may parehong layunin, interes at hilig. Ang pagsali rito ay isang paraan upang mahubog at maipakita ang mga talento at kakayahan ng isang indibidwal. Sapagkat ang pag-aaral at pag-unlad ay hindi lamang nagaganap sa loob ng silid-aralan. Ang pakikilahok sa mga ganitong Gawain ay hindi lamang pang extracurricular na aktibidad, bagkus napatunayan din sa mga pag-aaral na ang ang pakikilahok sa mga club o Samahan ay humahantong sa mas mahusay na kinalabasan ng akademiko, kalusugan, at karera ng isang tao. Marami ang kapakinabangan sa pagsali sa mga Samahan o club sa hayskul sapagkat dito mas nahuhubog ang tiwala sa sarili, naipakikita ang talento at kakayahan ng isang tao. Ang mga Gawain na ito ay naglalayon ng sumusunod;\r\na. Mapaigting ang pakikilahok sa mga gawain,\r\nb. Mahasa ang pagiging responsableng mag-aaral,\r\nc. Mapalawak ang kaalaman at interes ng mga mag-aaral sa Filipino,\r\nd. Matutuhan ang pagkakaroon ng replektibong kaisipan ang mga mag-aaral,\r\ne. Mapaunlad at mahubog ang mga iba pang kasanayan at talento ng mga mag-aaral,\r\nf. Malinang ang pagkatuto at Kultural na literasi ng mga mag-aaral upang makaagapay sa nagbabagong bihis na daigdig.