March 09, 2023
Health, Health, Health, Health, Health, Governance, Active Citizenship, Environment, Environment
Hangarin ng Youth for Excellence of Sampaguita Extension Organiation (Y.E.S Organization) na magkaroon ng kapakipakinabang na proyekto na maaaring maiwas ang mga kabataan sa masamang bisyo, hubugin upang maging Mabuting ehemplo at lider sa mga susunod na kabataan at magkaroon ng mapayapang komunidad. Sa pamamogitan ng pagbuo ng mga proyektong pangkabataan matuturuan, matutulungan, magagabayan na maging kapaki pakinabang na kabataan ng komunidad at sumunod sa batas pangbaranggay, panglungsod, at pambansa. Ang layunin nitong samahan ay pagkaisahin, patatagin, at gawing produktibo ang lahat ng kasapian na momayan ng Sampaguita na nabibilang sa hanay o sector ng Kabataan sa pamamagitan ng mga proyekto, programa, gawain at mga inisyatiba ng samahan, Barangay Council, SK Council, Quezon City Council at maging national level no magtataguyod at kikilala sa kakayahan at gampanin ng mga Kabataan bilang parte ng sting barangay o komunidad. Layunin din ng samahan na patatagin ang pagkilala at pagtanggap ng Sampaguita sa mga kasapian ng Y.E.S Org. bilang parte ng barangay o komunidad sa pamamagitan ng pantay na pagtingin at pagpapatupad sa mga umiiral na batas at mga ordinansang pambarangay at panglungsod. Mabigyan ng pantay na pagtrato so anumang serbisyong pampubliko sa lahat ng pagkokataon at pangangailangan. Wakasan ang hindi makatao at anumang uri ng mga diskriminasyon, rejections, at mga pisikal, verbal at emosyunal na pang-aabuso sa lahat ng kasapi ng Y.E.S Org. Layunin ng samahan na mapaglingkuran ang \'chat ng kasapian ng Sampaguita Ext\'n Y.E.S Org. at maabutan ng agarang tulong sa aspeto ng edukasyon, pangkalusugan, pangseguridad, pangkabuhayan, o mga pangsekolohikal na tulong sa pamamagitan ng paglapit at pakikipag-unayan sa mga kinauukulang sangay ng barangay, panglungsod o pangnasyunal at maging mga non-government organization (NGO) na may kaukulang programa na naangkop sa pangangailangan ng kasapi ng samahan. \r\n