June 15, 2023
Education, Social Inclusion and Equity, Peace-Building and Security, Active Citizenship, Environment
Ang SAMAWIPAN na dating Samahang Filipino ay isang organisasyon na binubuo ng mga mag- aaral sa kolehiyo na kumukuha ng asignaturang Filipino kabilang na rito ang mga nagpapakadalubhasa sa Wika at Panitikan na may layuning: 1. Maiukit sa damdamin at isipan ng mga kasapi ng samahang ito ang pagpapahalaga ng pagka-Filipino. 2. Maging daan tungo sa pag-unlad ng Wika at Panitikan. 3. Maipakita ang partisipasyon sa mga gawaing itataguyod ng paaralan at komunidad. 4. Mapatatag ang pagkakaisa, pagkakakilanlan at pagsasakatuparan ng dakilang layunin ng mga kasapi. Ang kauna-unahang tagapayo ng Samahang Filipino ay si Prop. Noelma S. Jabil ngunit nang ito'y magretiro siya ay pinalitan ni Dr. Emilyn Batulat. Sa kasalukuyan, ito'y pinamumunuan ni Dr. Sol P. Abellar na siyang tagapagtaguyod ng samahan.