July 17, 2023
Health
"Ang samahang ito ay kikilalanin at tatawagin sa pangalang ""MNYA-MORO YOUTH NEIGHBORHOOD ASSOCIATION"" Layunin ng samahang ito na pagsama-samahin ang lahat ng residente ng Moro sa San Miguel, District II, upang gumawa ng mga programa para sa ikabubuti ng bawat isa. Maghanap ng mga paraan upang mapabilang sa lahat ng legal na kasaping may istraktura. Maging bantay sa lahat ng uri ng pagsasamantala, kasapi man o hindi o sinuman laban sa pananakot, pagsisinungaling at kurapsyon. Ang tanggapan ay matatagpuan sa 198 San Miguel St. Payatas A, Quezon City Metro Manila. Ang samahang ito ay bubuoin ng mga Board of Directors na may anim na miyembro. Ang pag-iral ng samahang ito ay magtatapos paglipas ng tatlumpong taon (30 years) mula April 7, 2023"