December 18, 2023
Education, Economic Empowerment, Social Inclusion and Equity, Peace-Building and Security, Governance, Active Citizenship, Global Mobility
Ang Bukang-Liwayway (ABL, 2011) ay ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Bautista National High School (BNHS). Ito ang nagsisilbing daluyan ng malayang pagpapahayag ng mga mag-aaral ng BNHS. Sa pamamagitan ng Pagsusulat (writing), Paglilimbag (publishing) at Pagsasahimpapawid (broadcasting) ay nagbibigay at naglalahad ng katotohanan sa mga pangyayari sa loob at labas ng Campus. Ang Patnugutan ng ABL ay binubuo ng mga kabataang mag-aaral na naglalayong: a. palalimin ang kasanayan sa pamamahayag sa iba't ibang uri ng media; b. imulat ang mga kapwa kabataan sa katotohanang dapat nilang malaman; c. pag-usbungin ang kritikal na pag-iisip ng mga kabataan hinggil sa mga isyung panlipunan at pampulitika; d. maging isang huwarang daluyan ng mga mahahalagang impormasyon; e. pamayanihin sa puso ng mga kabataan ang pananaliksik tungo sa pagmulat ng mga makabuluhang kaisipan. Ang ABL ang siyang magsisilbing liwanag laban sa dilim ng kasinungalingang laganap sa social media.