April 08, 2024
Health, Education, Economic Empowerment, Governance, Environment
Ang Project Sinag, isang samahang di-pangkalakalan, ay naglalayong maging kasangga ng pamahalaan at iba pang sektor sa pagpapalaganap ng youth volunteerism, sa pamamagitan ng ilan sa mga sustainable development goals na inilatag ng United Nations: pagtulong sa mga nasa kahirapan, pagpapalakas ng edukasyon, maigting na pangangalaga sa kalikasan, at pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, kung saan itataguyod ng samahan ang mga bagay na ito mula sa lokal na pamayanan patungo sa pambansang antas. Sa pamamagitan ng mga programang ito, ang Project Sinag ay nais maging inspirasyon at tulay sa pag-unlad ng bansa at sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.