April 27, 2024
Education
Bilang pangkulturang organisasyon, naninindigan ang Panday Sining na ang sining at panitikan ay mga sangkap at armas para hamigin ang pinakamalawak na hanay ng mamamayang Pilipino. Mula sa masa, ating kakalapin ang kanilang mga danas at silakbo ng paglaban, at ilalahad ang mga ito sa iba't ibang porma ng sining. Kung kaya’t nararapat na nagpapakahusay at nagpapatalas ng kapasidad ang mga kabataang artista na lumikha ng sining na may mas mataas na antas ng pampulitikang kamalayan at artistikong kahusayan.