July 08, 2024
Social Inclusion and Equity, Active Citizenship, Environment
Noong Abril 01, 2020 nabuo ang Youth of Living Water Tuburan Organization. Ito ay samahan ng mga Kabataan ng Sitio Tuburan na pinag-isa dahil sa kanilang pananampalataya. Ito ay pinamumunuan ni Socorro Magramo na siyang nagpasimula ng organisasyong ito. Di kalaunan nahikayat ang mga kabataan ng Sitio Tuburan na makiisa, makilahok, at magkaroon ng kaalaman sa mga mabubuting gawain na makakatulong sa mga mamamayan ng Sitio Tuburan. Dahil dito ay nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad at gawain ang organisasyon katulad ng Tree Planting, Gift Giving, Coastal Clean-Up, Fund Raising (upang matulungan ang kapilya) at Youth Camp (upang makahalubilo ang bawat kabataan sa isa’t-isa).