July 17, 2024
Health, Education, Economic Empowerment, Social Inclusion and Equity, Peace-Building and Security, Governance, Active Citizenship, Environment, Global Mobility
Ang ChampKasiglahan Organization, ay isang organisasyong nakatutulong mapaunlad ang kakayahan ng isang kabataan. Sa pamamagitan ng mga proyekto at programa tulad ng leadership program, Spiritual Counselling at iba pa, nais ng ChampKasiglahan org. na mahasa ang bawat kabataan sa kanilang angking galing sa pamumuno ng kapwa nila kabataan. Ang ChampKasiglahan ay nangangarap sa tulong ng Diyos na ang kabataan ay hindi lamang kabataan bagkus kayang makipagsabayan sa lipunan na ating ginagalawan. Isa din sa adhikain ng organisasyong ito ay ang makatulong sa bawat pamayanan ng montalban kahit sa maliit na bagay na maaring maitullong sa iba. Nagsasagawa kami ng Project 2540 na naghahatid ng tulong pangangailangan sa bawat pamayanan ng montalban sa pamamagitan ng pagkain, damit, o ano pang uri ng pangangailangan. Sa kabuuan, ang organisasyong ito ay ginagabayan ng Diyos at tinutulungan ng Diyos upang mabago ang mga kabataan at patunayan na ang susi ng pag-unlad ay mag-uumpisa sa pag-unlad din mismo ng bawat kabataan.